Linggo, Oktubre 2, 2011

HANDA KA NA BANG MAGING PINOY?

Nagising ako nang mga bandang alas-otso.(Nasa bahay pala si Papa...)
 Tulog na tulog pa ang dalawa kong anak. Samantalang nagtitimpla ng kape ang aking asawa para sa sa aking tatay na bumisita sa bahay. (Nakabukod na kasi kami ng sarili kong pamilya)


Nagbukas ako ng net. Maraming nabasa sa fb na nakatulugan ko kagabi. Nakakalungkot ang iba at ang iba naman ay nakakatuwa.


Ito ang napagtanto sa araw na iyon

10 dahilan bakit masarap maging PINOY
(medyo stereotype na iyong iba dito, pero ngayon ko lang naapreciate ang mga iyon)

10. Automatiko sa PINOY na kapag may bisita, maghahanda kahit walang laman ang Ref sa bahay. (Lalo na kung kamag-anak ang dumalaw sa bahay.)

9. Kahit walang-wala na. Ang bisita nama'y pilit magdadala ng kahit anung pasalubong sa dinalaw na bahay. (Lalo na kung bukal sa loob ang pagdalaw at hindi ito pinapapunta lang)

8. Sa Pilipinas, mas mahal ng mga thunders ang kanilang mga apo kaysa sa kanilang mga anak.

7. Sa kahit anong pagkakataon, ang PINOY ay palabati kahit hindi naman kayo ka-close.

6. Ang bawat PINOY ay may pakialam sa kapwa niya. (Minsan na mimisintepret natin itong pakialamero o tsismoso't tsismosa)

5. Tuwing umaga, sigurado kang may makikitang almusal diyan sa tabi-tabi na abot sa laman ng inyong bulsa. (taho, champorado, lugaw, arroz caldo, atbp.)

4. Sa daming problema ng bansa, marami pa ring dahilan ang mga PINOY para ngumiti at tumawa.

3. Si PNOY ang ating pangulo.

2. Hindi lahat ng nakakaaway mo habang buhay mo nang kaaway.

1. Higit sa lahat, masarap maging PINOY sapagkat kahit anong tingin ng ibang bansa at kapwa PINOY sa pagiging PINOY natin marami pa rin ang nagmamahal at nagpupumilit na maibangon ang ating imahe. (Sa radikal o sa karaniwang paraan)

Kaya, handa ka na bang maging PINOY?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento